Performance Task 1 at 2
Termino 1Gawaing Pagganap:
Pagsulat ng "Character Sketch"
GRASPS:
- Goal (Layunin): Makabuo ng isang masining at makabuluhang Character Sketch na nagpapakita ng isang tauhang nagpapamalas ng pagmamalasakit at pagpapahalaga sa kapuwa, sarili, o bansa, gamit ang pangkalahatang kayarian ng tekstong naratibo, maayos na nilalaman, organisasyon ng ideya, tamang gramatika, at mekaniks sa pagsulat.
- Role (Gampanin): Ikaw ay isang manunulat ng kuwentong Pambata.
- Audience (Manonood/Mambabasa): Ang iyong Character Sketch ay babasahin ng iba pang tao gaya ng iyong mga guro, kaklase, at mga magulang, pati na rin ng komunidad ng paaralan.
- Situation (Sitwasyon): Bilang isang manunulat ng Kuwentong Pambata, maghanap ng isang tauhan na iyong hinahangaan dahil sa kanyang pagmamalasakit sa kapuwa o bansa. Ang pipiliin ay maaaring buhay o namayapa na, sikat o hindi kilala. Naipakikita ang panlabas na anyo, pag-uugali o personalidad, pagkilos at desisyon sa kuwento, relasyon sa ibang tauhan at mga aral na matututuhan mula sa kanya. Ang pagsulat ng “Character Sketch” ay dapat malinaw, maayos ang pagkakabuo, at nagpapakita ng pagmamalasakit, pagpapahalaga sa kapuwa, sarili o bansa.
- Product (Produkto): Pagsulat ng “Character Sketch”.
- Standard (Pamantayan): Ang pagsulat ng “Character Sketch” ay magtataglay ng tamang pagpili ng mga salita na nagpapakita nang malinaw na pagpapahayag ng saloobin tungkol sa napapanahong paksa at nagtataglay ng mga mekaniks sa pagsulat at pagsasalita gamit ang rubrik sa pagmamarka.
Performance Task 1 at 2
Termino 2Gawaing Pagganap:
Balitang Bata, Hatid sa Bansa (Pagsulat at Pag-uulat ng Balita)
GRASPS:
- Goal: Layunin ng gawaing ito na makasulat at makapag-ulat ng isang napapanahong balita tungkol sa isang pangyayari o isyu sa iyong barangay, rehiyon, o bansa. Dapat mong maipakita ang wastong paggamit ng gramatika, tamang pormat ng balita (ulo ng balita, pamatnubay at katawan), at angkop na paggamit ng pangngalan at panghalip. Bukod dito, iuulat mo rin ito sa pamamagitan ng isang bidyo na malinaw, kawili-wili, at kapani-paniwala upang maipakita ang iyong husay sa pagsasalita at paghahatid ng impormasyon.
- Role: Ikaw ay gaganap bilang isang batang mamamahayag — manunulat at tagapag-ulat ng balita. Tungkulin mong magsaliksik, magsulat, at maghatid ng tumpak at makabuluhang impormasyon sa iyong mga tagapakinig.
- Audience: Ang iyong balita at bidyo ay ihaharap sa iyong guro, mga kamag-aral, at komunidad na nagnanais maging mulat sa mga kaganapan sa paligid.
- Situation: Bilang kalahok sa proyektong Balitang Bata, Hatid sa Bansa, ikaw ay lalahok sa gawaing naglalayong linangin ang iyong kasanayan sa pagsulat at pagsasalita. Pipili ka ng isang napapanahong pangyayari o isyu na may kaugnayan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa o komunidad... Isusulat mo muna ito bilang maikling balita gamit ang tamang pormat, pagkatapos ay iuulat mo ito sa bidyo na parang tunay na reporter na naghahatid ng makabuluhang impormasyon sa publiko.
- Product:
PT1 (Pagsulat ng Balita): Sumulat ng isang maikling balita. Siguraduhing taglay nito ang Ulo ng balita, Pamatnubay, at Katawan. Gumamit ng wastong gramatika at bantas. PT2 (Newscasting): Iuulat mo ang iyong isinulat na balita sa pamamagitan ng isang bidyo na may malinaw na pagbigkas, tamang tono, at wastong kilos. - Standard: Inaasahan kang makasusulat at makapag-uulat ng isang napapanahong balita na sumusunod sa tamang pormat, katumpakan ng impormasyon, at wastong paggamit ng wika. Maipapakita ang kasanayan sa malinaw na pagsasalita, angkop na tono, at maayos na galaw.
Performance Task 1 at 2
Termino 3Gawaing Pagganap:
Pagsulat at Pagbigkas ng Tula
GRASPS:
- Goal: Makalikha ng mga tula (Tanaga, Diyamante, at Haiku) na naglalarawan ng yaman ng tradisyong Pilipino at mga banal na ugnayan. Sa pamamagitan ng pag-alala sa mga dakilang halimbawa ng pag-ibig at pagsasakripisyo, ipakikita ng mga mag-aaral ang pagkakaisa, pananagutan, at dignidad na nakapaloob sa ating mga lokal na kapistahan at pananampalataya.
- Role: Ikaw ay isang makatang kabataang Pilipino at tagapagpahayag ng kultura at pananampalataya na inatasang lumikha ng mga tula na magpapakita ng mensahe ng buhay ng mga santo sa konteksto ng mga pista at tradisyong Pilipino.
- Audience: Ang iyong tula ay babasahin ng iba pang tao gaya ng iyong mga guro, kaklase, at mga magulang, pati na rin ng komunidad ng paaralan.
- Situation: Ang ating paaralan ay magdaraos ng isang Kapistahan ng Pamana at Pananampalataya na naglalayong ipagdiwang ang ugnayan ng ating kultura. Bilang kinatawan ng Sining Pampanitikan, ikaw ay naatasang maging tinig ng pagdiriwang sa pamamagitan ng paglikha ng mga tula. Inaasahan kang makabuo ng tatlong (3) natatanging tula (Tanaga, Diyamante, at Haiku).
- Product: Makagagawa ang mag-aaral ng tatlong (3) tula na may temang pananampalataya, kultura, at pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba:
- Tanaga – Tema: Pananampalataya, Inspirasyon, Paniniwala
- Tulang Diyamante – Tema: Paglilingkod, Paggalang, Dignidad ng Tao, at Pagkakaisa sa Komunidad
- Haiku – Tema: Kultura, Pagdiriwang ng Pista sa Komunidad
- Standard: Ang bubuoing mga tula ay magtataglay ng tamang pagpili ng mga salita na nagpapakita nang malinaw na pagpapahayag ng damdamin tungkol sa paksa at nagtataglay ng mga mekaniks sa pagsulat at pagsasalita gamit ang rubrik sa pagmamarka.